Martes, Abril 29, 2014

alam na yung sagot itatanong pa! (Department store situation)

ako si mm, simpleng tao lang na nakatira sa laguna. na sadya namang nagtataka kung bakit ang daming pilipinong bulag sa kasagutan. "alam na yung sagot itatanong pa!"

Minsan namili kami sa mall.
nakakita ako ng damit, blue shirt na me print ng mayan tribe yung uso!
pumunta ako ng fitting room para isukat

mm:  (isinukat ang damit) ayyy!! ang sikip!! (tinawag yung sales lady) miss me ibang size pa nito?
      
saleslady: ay..para po sainyo sir?

mm: (hindi! para sa kabilang fitting room, napakiusapan lang ako na magsukat. katukin ko lang daw sila kung        mejo masikip o mejo maluwag! nagkawang gawa lang!)
       (hindi! para sa tatay mo kumpare niya ako)
       
                            
*diba parang sira? ako yung nasa loob ng fitting room tapos tanungin ako kung para sakin?
                        
finally nakapili nko,P 450 at babayaran ko na sa counter.
nang nasa counter na ako nagbayad ako ng P 500

girl: sir, i receive P 500

mm: (hindi! 200 lang palista nalang yung kulang, bayaran ko sa sweldo!)
       

*diba parang sira, nakita nang 500 yung inabot ko sabihin pa ulit, pano kung holdaper yung nasa likod ko at pagkamalang mapera ako ehhdi, denggoy pa..holdap sa labas!
kakainis!!magkapatid ba sila nung sales lady?

nung palabas na kam may nakasalubong kaming babae, naka maternity dress, malaki tiyan in short buntis.

friend: ay buntis?
mm: hindi! goiter! lumubog lang!
 
tapos nun umuwi na kami ng punong puno ng sagot sa isip!!

itutuloy...